Mail & More ‘di sana mapansin

Bago magsimula ang torneo ay maraming koponan ang hindi pumansin sa baguhang Mail & More.

At ngayong magkasalo sila ng Sista Super Sealers sa liderato, umaasa si coach Lawrence Chongson na patuloy na iisnabin ng mga tropa ang kanyang mga Comets.

"Before the tournament we were not noticed by the teams. Now, parang napapansin na kami. Hopefully, we remain unnotice by the teams," wika ni Chongson sa kanyang Mail & More na sasagupa sa Tele-Tech ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Sista at Toyota Otis sa alas-4 sa eliminasyon ng 2007 PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College sa Taft Avenue.

Kasalukuyang magkahati sa pangunguna ang Comets at ang Super Sealers mula sa magkatulad nilang 6-2 kartada kasunod ang dating lider naHapee-PCU Teethmasters (5-3), Harbour Centre Port Masters (5-3), Titans (4-3), Sparks (4-3), Cebuana Lhuillier Moneymen (3-5), Magnolia Spinners (2-6) at Kettle Korn-UST Pop Kings (0-8).

Nasubi ng Mail & More ang kanilang pang limang sunod na panalo makaraang ilampaso ang Kettle Korn-UST,84-63, noong Sabado sa Olivares Sports Center sa Parañaque.

"Definitely, it will betougher games ahead of us kasi marami nang teams ang nakakapansin sa amin ngayon," wika niChongson sa kanyang mga Comets,muling sasandal kina 6-foot-6 JR Quiñahan, Mike Bravo, Elmer Espiritu, Ronjay Buenafe at Jorel Canizares.

Isang 69-77 pagkatalo naman ang nalasap ng Titans ni Jerry Codinera sa mga kamay ng Super Sealersnoong Disyembre 18, dalawang araw bago magbakasyon ang liga.

Sa pangalawang laban, target naman ng Sista, naglista ng 77-69 panalo sa TeleTech, na patuloy na manguna sa kanilang pakikitagpo sa Toyota Otis, nanggaling sa 83-95 pagkatalo sa Cebuana Lhuillier. (Russell Cadayona)

Show comments