Mahigit isang buwan na magpapahinga ang Beermen at ang Gin Kings at marami ang nagsasabing may bentahe ito dahil sa mapaghahandaan nila nang husto ang kanilang makakalaban sa semis.
Pero may disadvantage din ito.
Kasi nga, panay ensayo lang ang puwede nilang gawin. At sila-sila lang ang mag-eensayo.
Puwedeng makipag-tune-up games silang makipag-tune up sa ibang teams pero hindi yung mga miyembro ng PBA. Kung sa kapwa PBA team din sila makikipag-ensayo, baka sakaling sa Welcoat Dragons lang dahil sa ito ang tanging koponang maagang na-eliminate. Pero papayag ba ang Dragons?
Hindi sila puwedeng makipag-ensayo sa PBL teams dahil sa ongoing pa ang Silver Cup. Kung mga school teams naman ang kakalabanin nila, baka hindi nila makuha ang "desired effect."
May pusibilidad din na magkaroon ng injury ang ilang players nila dahil sa mahabang bakasyon na magiging daan para mangalawang ang mga ito. Hindi nga bat noong nakaraang torneo kung kailan nakamit din ng Beermen ang automatic semis berth ay nagtamo ng injury si Danilo Ildefonso? Kaya naman pagdating ng semis ay nahilahod silang bigla.
Ayon sa mga coaches, iba ang kundisyon sa ensayo kaysa sa kundisyon sa actual games! Isa siguro ito sa dahilan kung bakit atubili si San Miguel Beer coach Vincent "Chot" Reyes na dumiretso sa semis ang kanyang team. Ngayon lang daw siya susuong sa ganitong sitwasyon!
Pero nandiyan na nga iyan, e!
Isa pang disadvantage sa pagdiretso sa semis ay ang pangyayaring kahit na makakapaghanda ang Beermen at Gin Kings ay hindi naman nila alam kung sino ang kanilang pagha-handaan. Kasi ngay maraming pusibilidad kung sino ang kanilang makakalaban.
So, hanggang ngayon ay nanghuhula pa rin sila!
Pero okay na rin sigurong manghula kaysa dumaan pa sa ilang pagsubok bago makarating sa semifinals.
Kung tatanungin ang ibang mga teams, siguradong sasa-bihin nila na mas mamarapatin nilang makipagpalit ng pwesto sa San Miguel Beer o Barangay Ginebra. Kasi ngay sigurado na ang Gin Kings at Beermen na pupuwesto nang hindi bababa sa ikaapat sa pagtatapos ng torneo.