At sa hindi inaasahang pangyayari, taglay ang kanyang mid-air magic at tikas, naging instant celebrity ang 6-foot-2 na si Gueverra matapos niyang talunin ang ilang malalaking pangalan sa amateur ranks upang mapagwagian ang slam dunk contest sa harapan ng mga naghihiyawang mano-nood sa Olivarez Sports Center.
Kabilang sa mga ginapi ni Guevarra ay ang mga mahuhusay na UAAP slam dunk artists na kinabibilangan nina JC Intal ng Harbour Centre at Ateneo at Elmer Espiritu ng Mail & More at University of the East, ng ang di gaanong kilalang guard mula sa Letran ay lumundag ng 12 feet away mula sa basket at dumaan sa nakatayong lalaki sa kalagit-naan ng kanyang game-winning act.
Tumapos namang ikatlo ang 64 na si Espiritu na may nalikom na 95 puntos.
Kumulekta rin ang reigning Bantay Bata champion ng perfect 10s matapos lumipad sa tatlong nakaluhod na supporters.
Sa katunayan, bumandera si Intal sa first round matapos makumpleto ang jaw-dropping 360-degree dunk na nagpatayo sa mga manonood sa kani-kanilang kinauupuan at matinding palakpak ang kanyang inabot. Siya ay nakakuha ng 50 points mula sa mga hurado na sina dating UP stars Ronnie Magsanoc, Eric Altamirano, Joey Mendoza, Jake Mendoza at Joey Guanio.
Ito ang ikalawang slam dunk title ni Guevarra matapos dominahin ang Bantay Bata contest noong nakaraang taon. Dominado naman ni Intal ang nasabing kompetisyon dala-wang taon na ang nakakaraan.
Ang iba pang nanalo ay ang teammate ni Guevarra na si Patrick Cabahug na nanguna sa three-point shootout na kumulekta ng 19 puntos upang talunin sina Magnolia Ice Creams Jeff Chan at Josh Urbistondo ng Kettle Korn.