Sa mga susunod na araw, dalawa lang ang puwedeng mangyari sa isang PBA team.
Either ma-disband na ang PBA team na ito pag natuloy ang pagbenta niya sa ibang kumpanya, o kung hindi naman ma-disband, tiyak na papalitan ang buong coaching staff.
Abangan ang susunod na kabanata.
Masayang-masaya ang Pasko nila tiyak dahil P13.5M lahat ang naipamahagi ng gobyerno at si Pres. Gloria Arroyo mismo ang nagbigay sa kanila ng tseke nila.
Naway magbigay ng malaking inspirasyon ang ganito para sa mga athletes natin para naman mas malayo pa ang mararating nila sa mga susunod na Asian Games.
Palagay ko, hindi dapat.
Huwag na muna ngayon.
Huwag sanang pumayag si PGMA na pakawalan si Chairman Ramirez.
Yan ang nakita namin matapos na ipakita sa buong mundo ang bagong mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City.
Isang bahay at magandang buhay na naging katas ng kamao na nagdala ng malaking karangalan para sa bansang Pilipinas.
Pag maaalala mo ang mapait na buhay ni Manny noon na pinasukan na halos lahat ng klaseng mahihirap na trabaho upang patuloy lang na maitawid ang gutom, ay mamamangha ka sa kahiwagaan talaga ng buhay.
Minsan nasa ilalim ka, pero kapag umangat naman, ang sarap kapag nasa ibabaw ka na.
Si Manny Pacquiao ay mananatiling inspirasyon sa mga naghihikahos sa buhay na oo nga, may pag-asa ang bawat isa sa atin na makamit ang anumang nais natin sa buhay.
Hanggang may sipag at tiyaga, at paniniwala sa Diyos.
At habang may buhay.
Siyay isang napakabait na bata.
Isa sa mga pinakamabait sa PBA.
Si Mark Pingris.