Ayon kay Guzman, hindi nalalayo ang kan-yang postura kina Pac-quiao at Mexican titlist Marco Antonio Barrera.
"Pacquiao is a great fighter, a great champion, yes," sabi ni Guzman, kampeon sa super featherweight division ng World Boxing Organi-zation (WBO). "But he makes a lot of mistakes. I recognize the great qualities of both Pacquiao and Marco Antonio. I believe I am better than both of them, but the only way to be sure if for us to contest it in the ring."
Isa lamang sina Barrera, ang World Boxing Council (WBC) super featherweight king, at Guzman sa mga inililinyang posibleng makaharap ni Pacquiao sa susunod na taon sakaling maayos na ang kanyang problema sa kontrata kina Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions at Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Idedepensa ni Guz-man ang kanyang WBO title laban kay American challenger Antonio Davis sa Linggo.
Tangan ni Guzman, personal na panonoorin ni Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions, ang 26-0 win-loss ring record, habang may 22-2 naman si Davis.
Handa si Guzman na iwanan ang kanyang WBO super lightweight crown upang makasa-gupa sina Pacquiao at Barrera sa super feather-weight division.
"I have to move on to fight Barrera and Pac-quiao. I have to do this because this is part of my plan to put my country on the world boxing map. I will want only the big fights from now on," ani Guz-man. (Russell Cadayona)