Halos 16 oras pa lamang ang nakakalipas nang unang isukbit ni Antonio Gabica ang unang ginto para sa bansa makaraang talunin ang kababayang si Jeffrey de Luna sa all-Pinoy finals ng 9-Ball singles pool event sa Al-Sadd Sports Center, buong giting namang umakyat si Payla upang igupo si Somjit Jongjohor ng Thailand, ang defending champion sa flyweight division.
" Were on the right track. Bukas (ngayon) we will go for the second gold," masayang wika ni Manny Lopez, ang pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines.
Buo ang loob ng tubong Cagayan de Oro na si Payla at determinasyong makamit ang gintong medalya, upang maibsan ang tagtuyot sa ginto ng Philippine boxing nang walang humpay nitong sinalanta ang Thai ang una para sa boxing sapul nang huli itong nakakuha noong 1994 Hiroshima Asiad nina Mansueto Velasco, Reynaldo Galido at Elias Recaido,
"I know that I have improved as he has beaten me three times," wika naman ni Payla hindi lumabas ng kanyang kuwarto sa Athletes Village maliban lamang kung kakain. "I am looking to getting the gold in the Olympic Games for the Philippines. At alay ko rin ito sa mga Pinoy na nagpunta at pinanood ang laban ko dito."
Nakatakdang umakyat sa ring para sa isang gintong pagkakataon si Joan Tipon na haharapin ang Koreano na si Soon Chul Han sa bantamweight division sa ganap na alas-2:15 ng hapon (7:15 pm sa Manila).
Bukod sa ginto ni Gabica at Payla, may 4 silvers at 8 bronze na ang Pilipinas.
Naka-silver sina Thsomlee Go, Ma. Antoinette Rivero gayundin sina De Luna at Gabica sa kanilang singles event.
Tatlong bronze ang isinukbit ng mga RP jins dalawa sa boxing at isa sa golf noong Lunes, dagdag pa dito ang bronze medal ni Fil-Am netter Cecil Mamiit sa tennis mens singles event sa doubles kasama si Eric Tainio at isa sa karate mula kay Noel Espinosa sa mens individual Kata ng karate event sa Doha Sports Club.