Ang naturang huling defensive stop ng Express ang nagbunga ng kanilang 92-89 tagumpay laban sa dating rumaragasang Red Bull Barakos sa classification phase ng PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumolekta si 6-foot-9 Yancy De Ocampo ng 20 marka, 10 boards at 2 shotblocks upang tulungan ang Air 21 sa pagtatayo ng 7-8 kartada kasabay ng pagpigil sa two-game winning streak ng Red Bull para sa 10-6 baraha nito.
"I just told them to match the intensity of Red Bull," wika ni coach Bo Perasol sa kanyang Express na naglista ng 92-81 bentahe sa huling 1:45 ng final canto bago naputol ng Bulls sa 89-92 sa nalalabing 1:08 nito.
Nagkaroon pa ng tsansa ang Bulls, muling giniyahan ni assistant coach Gee Abanilla sa ikalawang pagkakataon para sa naiwang trabaho ni head coach Yeng Guiao na napatawan ng two-game suspension mula sa kanilang upakan ni Talk N Text team manager Frankie Lim noong Huwebes sa Tacloban City, na makatabla sa huling 10 segundo kundi sa passing error ni Larry Fonacier, 3.7 tikada na lang.(RC)