Matapos ang batuhan ng mga bowlers sa unang phase, tumatakbo sa ikat-long puwesto ang tamba-lang Markwin Tee at Tyrone Ongpauco sa liku-ran ng magkatablang duo mula sa Qatar at United Arab Emirates.
"They tried their best. Nakita mo naman sa scores nila. Kaya lang hin-di pa kasi tapos ang laban at nasa second phase ang mga malalakas ding bow-lers," wika ni Steve Hon-tiveros, na nanghihina-yang dahil kahit papaano ay bronze na sana yun.
Sa pagtatapos ng ika-lawang phase tuluyang nalaglag pa ang Pinoy bowlers at nakuntento na lamang sa ikalimang pu-westo sa kanilang nailistang 2,742 sa likuran ng nagwa-ging tambalan nina Al Al-shaikh Hassan at Al Als-haikh Bader ng Saudi Ara-bia na may 2,821 pinfalls.
Pumasok pa sa ikaapat ang Thai pairs nina Kuson-phitak Somjed at Larpapah-rat Yannaphon na may 2,768. Nagtabla sa ikalawa at ikatlong puwesto ang Qatar at UAE na kapwa may magkatulad na 2,782 pinfalls.
Habang sinusulat ang balitang ito, muling puma-gitna ang Pinoy bowelrs sa trios event sa larong inaasa-hang matatapos sa ganap na alas-11 ng gabi ( 4am sa Manila).(DMVillena)