Sasagupain ngayon ng 20-anyos na si Bautista si Brazilian super ban-tamweight champion Giovanni Andra-de bilang undercard sa middleweight championship fight nina Winky Wright at Ike Quartey sa St. Pete Times Fo-rum sa Tampa, Florida, USA.
"Pagkakataon ko na ito at hindi ko na pakakawalan dahil para ito sa bansa natin," wika ng tubong Bohol na nagda-dala ng 20-0 win-loss record kasama ang 15 knockouts.
Dalawang beses hindi nakita sa ibabaw ng lona si Bautista matapos magkaroon ng sakit noong Hulyo sa Manny Pacquiao-Oscar Larios bout sa Araneta Coliseum at makalasap ng isang collar bone injury noong Oktub-re sa Marco Antonio Barrera-Rocky Juarez fight.
Huling nakita sa aksiyon si Bautista noong Mayo 20 nang gibain si Roberto Bonilla sa third round, samantalang ga-ling naman si Andrade sa isang sixth-round stoppage kay Sixto Vera Espi-nola noong Agosto 24.
Matapos ang naturang mga kama-lasan, naging maigting ang pag-eensa-yo ni Bautista sa Cebu City bago nagtu-ngo sa Wild Card Boxing Gym ni Ame-rican trainer Freddie Roach na siyang uupo sa kanyang corner.
Ibinabandera ng 36-anyos na si Andrade ang kanyang matayog na 52-9 card tampok ang kanyang 43 KOs.
Tumimbang si Bautista ng 122 pounds sa isinagawang weigh-in sa Hyatt Regency Tampa sa Florida, habang 123 naman si Andrade. (Russell Cadayona)