Samu’t sari

May mga mambabasa na nagpadala ng reaksyon hinggil sa naisulat natin tungkol sa nauu-song pagkuha ng mga dayuhang manlalaro para sa mga pamban-sang koponan, lalo na sa basket-bol.

Narito ang e-mail ni Kenneth Inocencio:

"I just moved to Singapore last September and I was surprised that they have a team playing in the Australian NBL. The team, the Singapore Slingers is composed mostly of Australians but with two Singaporeans.

I guess they are token pla-yers because they don’t see action at all. I haven’t seen a game live (I’m sure any Ginebra game will have those games trumped) but on TV, they appear to be sparsely attended. They do have a local league, the Singapore NBL. It’s more community based."

Nang siyasatin ng inyong ling-kod ang NBL, tutoo ngang may Singapore Slingers, at dadalawa ang kanilang "homegrown" na manlalaro. Sa katunayan, kasa-ma pa doon ang dating PBA im-port na si Marquin Chandler sa apat na Amerikanong naglalaro doon. Mayroon pa silang Indian na nagngangalang Eban Hyams. Si Chandler ay tinanghal na Best Import nang magwagi ang Purefoods sa 2005-2006 PBA Fiesta Conference.

Hindi lamang sa Singapore nangyayari ito. Maging sa Middle East, kumukuha sila ng mga man-lalaro mula sa Africa upang mag-palakas.

At nabanggit ang mga ban-sang Arabo, sila ang kinatatakutan ng Philippine equestrian team sa gaganaping Asian Games sa Doha, Qatar.

"The last time, the Arab coun-tries chose not to participate, so it will be much harder now," pag-amin ni Toni Leviste, na lalahok sa kanyang ikatlong Asian Games para sa Pilipinas. "Now, they’re very well-mounted, and they have million-dollar horses. The royal families are all participating, so we will be competing against princes and princesses. They’re obviously very well-funded."

Ang tanong ngayon ay kung paano tayo mananalo sa kanila, gayung bago pa man din ang tambalang Leviste ang kanyang kabayong si Globe Platinum Just Jewels. Ayon naman kay Leviste, lahat ay naninibago sa kurso na gagamitin, kaya medyo papatas ang labanan.

Ang equestrian nga pala ang natatanging sport kung saan ang mga lalaki at kababaihan ay mag-kalaban.

Samantala, lumagpas na no-ong Martes ang ika-65 kaarawan sana ng martial arts expert at action star na si Bruce Lee. Mag-tatayo ng estatwa ni Lee sa Hong Kong at sa bayan ng Mostar sa Bosnia.

Noong 2001, may kom-panyang nagngangalang Shin-Cine na nakuha ang karapatang gumawa ng bagong digital movie na gagamitin sana ang mukha ni Bruce Lee. Subalit hindi natuloy ang pelikula.

Nakilala namang numero uno ang UCLA ng Associated Press. Ito ang unang pagkakataon mula 1995 na nabigyan ng ganoong kataas na ranggo ang Bruins, ang kanilang ika-119 na pagiging pi-nakamataas sa rankings. Subalit kinailangan nila ang pagkatalo ng dalawa pang mas mataas na paaralan para umakyat mula sa ikalimang puwesto.

Nais din naming batiin ang Vans sa kanilang ika-40 aniber-saryo. Naglabas ang kompanya ng mga limited edition shoes upang markahan ang kaarawan nila sa ibang bansa.

Ang Vans ang kauna-una-hang sapatos na nilikha para sa mga seryosong skateboarder, at naging malaking bahagi ng ur-bang fashion sa Amerika, Japan at dito sa Pilipinas.

Show comments