Kasama ng mga equestriennes na minamanage ni Milagros Belofsky sa team sina Juan Ramon Lanza na nagmula naman sa Australia.
Kahapon, may 93 pang katao sa pangunguna ni deputy CDM Mario Tanchanco ang dumating kasama ang administration staff (12), aquatics-swimming (9), beach volleyball (6), boxing (12), chess (5), gymnastics (3), judo (8), sepak takraw (11), shooting (15), soft tennis (9) at weightlifting (3).
Ang susunod na malaking bulto ng mga atleta ay darating sa Nov. 30 na binubuo ng 51-katao: bowling (14), cycling-road (10), rowing (5), cue sports (12), shooting (1) at tennis (9), at sa Dec. 3, may 37 players ang darating: taekwondo (16), athletics (15) at triathlon (6).
Sa Dec. 5, darating ang 11-member golf team, wrestling (9), bodybuilding (4), archery (11), fencing (16) at cycling track (9), habang ang mga entries mula sa aquatics-diving (7), canoe-kayak (4), squash (3) at wushu (12) ay darating sa Dec. 7. Ang karate squad naman ay darating sa Dec. 9.