Ito ang sinabi nina Philippine Sports Commission chairman, Chef de Mission William "Butch" Ramirez, at ang kanyang deputy CDMs at PSC commissioners Ricardo "Richie" Garcia at Joey Mundo gayundin ng Asian Games secretariat head Mauricio Martelino, na nanguna sa Team Philippines advance party dito para sa 15-day, 45-nation conclave.
Isang positibong indikasyon ang panalo Pacquiao, Canare at Rivera at Alcano ayon kina Ramirez at Garcia.
"Thats why we are upbeat," wika ni Garcia na nagsabi ring maganda ang ipapakita ng mga atleta sa 2006 edition ng biennial meet na ito na ikalawang pagkakataon pa lamang gaganapin sa Arabian Peninsula mula nang ihost ito ng Iran noong 1974, kumpara noong Busan 2002.
Idinagdag ni Garcia na matagal na pinaghandaan ito ng mga atleta na sinimulan na pagkatapos na pagkatapoos pa lamang ng Southeast Asian Games noong nakaraang taon kung saan naisubi ng bansa ang overall title sa pagkopo ng 113 golds.
Kamakailan lamang nanalo si Pacquiao laban kay Mexican Erik Morales sa Las Vegas para sa world super featherweight crown, habang ang internationalists na sina Canare at Rivera ay nagpasiklab din sa world bowling finals. Ginulantang naman ng 34-gulang na si Alcano, isang unheralded cue artist, si German champion Ralf Souquet sa World Pool Championship sa Manila.
Halos kumpleto na ang cast ng 349-member Team Philippines para sa Doha Games na magsisimula sa Biyernes sa bagong gawang 50,000-seater Khalifa National Stadium, at magsisilbing inspirasyon ang mga panalong ito. Nanunuluyan ang mga atleta sa Building No. 6 ng Athletes Village kung saan makakasama nila ang India.