Haharapin ng Super Sealers ang bigating Hapee-PCU Teeth-masters ngayong alas-2 ng hapon bago ang sul-tada ng Cebuana Lhuillier Moneymen at Magnolia-San Beda Spinners sa alas-4 sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
"This is going to be an acid test to our team, but I have great confidence in my players," sambit ni Garcia sa kanyang Sista, nagdadala ng 2-0 kartada katulad ng Hapee-PCU ni Jun Noel.
Magkabigkis sa una-han ang Super Sealers at ang Teethmasters sa magkapareho nilang 2-0 rekord kasunod ang Moneymen (1-1), Harbour Centre Port Masters (1-1), Toyota Otis-Letran Sparks (1-1), Mail & More Comets (1-1), Spinners (0-1), TeleTech Titans (0-1) at Kettle Korn-UST Tigers (0-2).
Ang naturang dala-wang sunod na panalo ng Sista ay kanilang inukit mula sa 77-71 pagwawagi sa Magnolia-San Beda at sa 81-71 paggiba sa Cebuana Lhuillier.
Nagmula naman ang Hapee-PCU buhat sa 73-68 pananaig sa Harbour Centre at sa 93-66 pagmasaker sa Kettle Korn-UST.
"The team is now beginning to play as a unit, and hopefully, hindi ma-wala yon sa mga coming games namin," wika ni Noel, dating coach ng Mamas Love sa PABL noong 1988.
Muling babanderahan nina Kelvin Gregorio, Marcy Arellano, Khiel Misa, Fritz Bauzon at Gilbert Malabanan ang Super Sealers katapat sina Jason Castro, Larry Rodriguez, Rob Sanz, Mark Moreno at Ian Garrido ng Teethmasters. (Russell Cadayona)