Ipaparada ng Harbour Centre ang bagong mukhang koponan laban sa Hapee-PCU sa alas-2 ng hapon habang makikipagtagpo naman ang San Beda reinforced Magnolia Ice-Cream sa Sista sa alas-4:00 ng hapong main game para sa nakatakdang double-header ng season opening Silver Cup.
Isang maikli ngunit makulay na opening ceremony ang magbubukas sa twinbill kung saan malugod na tatanggapin nina Commissioner Chino Trinidad at chairman Gil Angeles ng Toyota-Otis at ng pamilya ng PBL ang bowling great at guest of honor na si Paeng Nepomuceno.