Bagamat malapit na ang quadrennial event na ito, tila tahimik ang kapiligiran sa Team Philippines.
Walang gaanong ingay ang mga athletes, maliban sa ilang sports discipline na nagnanais mapasama sa Asiad pero kulang talaga sa budget.
Gayunpaman, kahit na kapos sa pondo ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee tuloy pa rin ang laban.
Kung noong Asian Games sa Busan, Korea ay nakasungkit tayo ng ginto, umaasa ang ating mga sports officials at higit sa lahat ang mga kababayang Pinoy na makakapag-uwi pa rin ng gintong medalya ang ating mga atleta. Ipinapanalangin na sana higit pa sa 3 golds, ang maiuwi natin ngayong taon.
Ilan sa inaasahang sports na makakapagsubi ng gintong medalya ay ang taekwondo, wushu, billiards at boxing at bowling.
Ipabaon natin sa ating Pambansang delegasyon ang ating mga panalangin!
Sa kabilang dako naman, nananalasa naman ang isa pang kapatid na kompanya nilang San Miguel Beer na umiskor naman ng apat na sunod na panalo.
Talagang ganyan, bilog ang bola ika nga.