Ang koponan ni Trillo na inaasahang magbabalik sa kay team owner Jean Lhuillier sa glorya sa amateur league ay binubuo nina UAAP MVP Kenneth Bono na makikipag-tulungan kay Doug Kramer ng Ateneo kasama ang mga Eagles ding sina Macky Escalona at Ramil Tagupa.
Si Bono at Kramer ay magsasanib ng puwersa sa ilalim, sina Escalona at Tagupa ay magsasalitan sa point habang sina veterans Erick dela Cuesta, Emerson Oreta at Mark Abadia naman ang kakamada sa labas.
Dagdag pa rito ang mga veteran 6-foot-5 players na sina Abby Santos at Alwyn Espiritu na malakas sa loob at labas kasama pa ang 63 na si Mark Yee na mahusay sa depensa.
Nasa roster din ang National University star na si Rey Mendoza, at ang mga Mapua stars na sina Joeferson Gonzales at Don Dulay.
Dahil makakasama ni Trillo ang kanyang mga Adamson players na sina 6-foot-5 Bono na tumalo kay JC Intal ng Ateneo sa MVP title sa UAAP, Tagupa at Abadia, may bentahe na ang Cebuana.
"At least they know my system already but the rest, they are still trying to adapt to my system and thats my concern right now," ani Trillo. "PBL is a different league compared to UAAP and other leagues so ono and the rest of the members of the team will have to raise their game."
May maipagmamalaki na si Bono dahil tinanghal itong Most Improve Player sa Unity Cup sa kaagahan ng taon kaya napasama ito sa 2nd Mythical team "We should not rely much on Bono, we must be flexible so that we can adapt to any kind of game," wika ni Trillo na umaasang maggi-gel ang kanyang team bago magsimula ang torneo.