Dinispatsa ni Villanueva, isang comebacking southpaw cue artist na pumangalawa kay Jose Amang Parica sa isang international tournament dito sa Manila, si Hasish Kusano ng Japan, 9-2 to upang kunin ang Qualifier 3.
Para makarating sa finals, nagtala si Villanueva ng impresibong panalo laban kina Jussi Niemela ng Finland (7-2), Kohei Inoue (7-1), Rodrigo Geronimo (7-3), Victor Arpilleda (7-2), at Imran Ibrahim ngf Indonesia (7-4).
Nakuha naman ni Lee Van Corteza, isang SEA Games gold medalist, ang Qualifier 4 nang magaan niyang talunin si American Max Eberle sa finals sa 9-2 rin.
Bago ito, nanalo si Corteza ng limang matches para makarating sa finals laban kina Mishal Al Kandari (7-3), Daniel Chua (7-1), Yusoke Kuroda (7-3), Chien Chin-Ju (7-3), and Pan Shen-Ping (7-2).
Bukod sa slots sa prestihiyosong torneo na iho-host ng bansa, nagsubi din sina Villanueva at Corteza ng tig-P45,000.
May kabuuang 116 players ang nakibahagi sa qualifying event kahapon na hinati sa 58-man groups.
Magpapatulong ang qualifying event ngayon kung saan nakataya naman ang Qualifier 5 at 6. Inaasahang may 64 players ang maglalaban-laban para sa naturang slot dahil sa pagdagsa ng mga foreign participants.
Kabilang sa mga Pinoy na makikibahagi dito ay sina Filipino top players Antonio Lining, Warren Kiamco, Leonardo Andam, Leonardo Didal, Mike Takayama at Renemar David. Maari silang lumahok ng tatlong beses sa qualifiers.
Ang qualifying tournaments ay matatapos ngayon habang ang tournament proper ay magsisimula sa November 4 sa Philippine International Convention Center na tatagal ng siyam na araw.