Nanguna ang 16-anyos na si de Ramos sa boys 16-17 100-meter dash at 400-meter run para sa Manila na namamayagpag ng husto sa kanilang kabuuang 32-golds na produksiyon bukod pa sa 22-silvers at 23-bronzes.
Naghatid din ng ginto para sa Big City sina Elcud Cuyugan mula sa boys 13-15 shot put, Romar Banola mula sa boys 13-15 high jump, Kristine Cabrera mula sa girls 100m hurdles, Joshua Paul Sacro mula sa boys 13-15 hurdles, Randolph Hernandez mula sa boys 16-17 discus throw at Aljean Diente mula sa boys 16-17 3000m run.
Nagmina rin ng ginto ang mga Manileño sa week-long event na suportado ng Converse, San Miguel, Tanduay, PAGCOR, Milo, Super Ferry, Landbank, Metrobank, Procter and Gamble, Globe Telecoms, Spurway Enterprises, Jex Nylon Shuttles, STI-Taft, PLDT, Aktivade, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers sa badminton competition na ginanap sa San Andres gym.
Nagsubi ng gold sina Ireland Largoza mula sa girls 8-under singles, Kevin Acosta mula sa boys 8-under singles, Angelica Valerio mula sa girls 12-under singles, Dianne Castro at Angelica Valerio mula sa girls 12-under doubles at Von Eric Ysulat mula sa boys 12-under singles.
Kasunod ng Manila sa medal tally ay ang Quezon City na may 12-13-15 gold-silver-bronze at Baguio City na nasa third place sa kanilang 6-golds, 7-silvers at 10-bronzes.
Nakakuha ng gold medal ang Quezon City mula kina Prince Moneubio sa boys 10-under singles, Exequiel Castro at CK Clemente sa boys 10-under doubles at Robert Lozadas at Alvin Morada sa boys 12-under doubles.
Kabilang sa top 10 ang Laguna Province (5-6-4), Candon City (4-6-6), Taguig City (4-3-6), Muntinlupa City (3-5-4), Parañaque (3-3-11), Valenzuela (2-1-3) at Tu-guegarao (1-1-2). (Mae Balbuena)