"Sabi ko nga kailangan nating liwanagin mabuti yung sulat dahil parang ang dating 314 ang limit sa atin," wika ni Cojuangco. "Siguro kailangan nating magreklamo kung sine-single out tayo."
Umabot na sa 369 ang bilang ng national contingent na ipapadala para sa 2006 Doha Asiad kung saan 270 rito ay mga national athletes.
"Ang parang dating sa sulat ay kung anong sob-rang bilang natin sa delegation, iyon rin ang ibabawas nilang bedspace," ani Cojuangco.
Ayon kay Cojuangco, hindi inaasahan ng DAGOC na lolobo sa inaasahan nilang bilang ang mga dele-gasyong ipapadala ng mga bansang kalahok sa 2006 Doha Asiad.
Mula sa dating 10,300, lumaki na sa 13,000 ang bilang ng mga delegasyon.
"What they were expecting siguro is a normal number of delegation per country. Nung nagkaroon ng interes yung mga malalapit na bansa sa kanila that it will not be as expensive to go there, kaya nagda-mihan yung nagpadala," wika ng POC chief. (Russell Cadayona)