KAKAYANIN NI KELLY

Marami ang natulala nang ipakita ni Kelly Williams ng Sta. Lucia Realty ang buong hangganan ng kanyang kakayahan sa pagtalon sa Eugene Tejada benefit game sa bagong San Juan Arena noong nakaraang Sabado. Di makapaniwala ang mga manonood sa taas niyang tumalon tuwing gumagawa ng dunk. Si Williams ang nanguna sa scoring (24 puntos), at sa dami ng mga dunk na ikinagulat pati ng mga kalaro niya.

Samantala, tinanong ng inyong lingkod kung nararamdaman niya ang pressure sa pagiging number one pick.

"We’re adjusting every day. We’re jelling better as a team. For me personally, it’s just a matter of learning what coach wants me to do, and I’m getting a better idea of that so, I’m getting more comfortable," sinabi ng 6’5 forward sa Pilipino Star Ngayon.

Unang dumating si Williams bilang bahagi ng Philippine team na napagitna sa gulo ng Philippine Olympic Committee (POC) at Basketball Association of the Philippines (BAP). Daglian niyang ipinakita ang kanyang husay laban sa matitinik na player ng PBA.

"The difference is that professional is probably things like referees calls. You just really have to do things the right way," gunita ni Williams. "And the importance of keeping yourself in shape, keeping your body healthy. It’s helpful in any league, but in this league I think every day you’re going hard. It’s very important, and I’m preparing for that."

Matapos ang hulaan kung sino sa kanila ni Arwind Santos ang pipiliin ng Realtors, lumitaw na mas napupusuan nila si Kelly. Madami ang nagsabing kakayanin niyang ihatid sa kampeonato ang SLR.

"Pressure? On myself, no," wika ni Williams ."I know there are expectations of me with management and coaches being drafted first by this team, and the roles that I have to fulfill. But as far as being pressured, No. 1 just have to follow the veterans that are already on the team."

Kung tutuusin, masuwerte si Williams dahil hinog na siya sa paglalaro sa RP team at Magnolia bago tumuntong sa PBA. Ngayon, ang tanging nalalabi ay patunayan nilang kaya niyang dalhin ang koponan sa matagal nang inaasam na championship.
* * *
Abangan ang di pa napapanood na panayam kay Eugene Tajada bago siya maaksidente sa programang The Basketball Show, mamayang alas-2 ng hapon sa RPN 9.

Show comments