Ang Academy of Sports Excellence (ASPIRE), na siyang tinatayuan ng indoor athletic stadium, 5,000-seater football stadium, Olympic-sized swimming at diving pools, at seven multi-purpose sports halls, ay isa sa pinakamalaking indoor sports dome sa buong mundo na may covered area na 290,000 sqm.
Ilang bahagi lamang ang gagamitin ng Games sa malawak na pasilidad ng ASPIRE, na pangunahing gagamitin ng Sporting Academy na may 300 students mula sa ibat ibang bansa na naninirahan, nag-aaral at nagti-training sa Academy.
Iho-host ng ASPIRE ang boxing, badminton, wushu, wrestling, at kabaddi, habang ang gymnastics ay gaganapin sa indoor athletics stadium.
Ang state-of-the-art Indoor Basketball Hall ay magbibigay ng maraming upuan para sa isa sa pinanabikang spectator sports ng Asian Games.
Ang Hamad Aquatic Centre ay matatagpuan naman sa Sport City at pinaganda ng de kalidad na pasilidad na halos doble ng three-story building na kinalalagyan ng dalawang Olympic-sized swimming pools, isa para sa kompetisyon at isa sa warm-up.
Mahigit 2,000 spectators ang masisiyahang manood ng event sa main arena na host ng swimming, diving at synchronised swimming events. (Arsenic A. Lacson)