"Palagi akong minu-mura at mga teammates ko ng mga San Beda followers. Sa akin lang, siguro mas may pinag-aralan naman ako kesa sa kanila kasi hindi nila alam kung paano maglaro at yung dinadala mong pressure para manalo ang team mo," ani Espinas.
Sa inilistang 22 puntos, 9 rebounds, 2 steals at 1 assist, iginiya ng 23-anyos na tubong Zambales ang Dolphins, ang 2004 cham-pions, sa 70-52 panalo kontra Red Lions sa Game 2 noong Miyer-kules na nagtabla sa kani-lang best-of-three cham-pionship series sa 1-1.
Katulad ni Espinas, hindi rin inaalala ni coach Joel Dualan ang mga tagasunod ng San Beda.
"Makikita mo naman na talagang grabe ang suporta nila sa team nila, samantalang sa amin baka one fourth lang ang nanonood," sabi ni Dua-lan.
Nakatakda ang Game 3 ngayong alas-3:30 ng hapon sa Araneta Coli-seum kung saan ang mananalo ang siyang aangkin sa 82nd NCAA mens basketball crown.
Ayon kay mentor Koy Banal, ang paniniwala sa sarili ang siyang nagpatalo sa San Beda, nanaig sa Game 1 mula sa kanilang 71-57 tagumpay, sa Game 2.
"Ang mind ang nagdi-dictate sa body to do things. Were kinda slow na mag-isip, thats why ang bagal naming kumi-los. I just have to prepare them mentally. First and foremost we have to believe that we can make it," ani Banal sa Red Lions, huling naghari noong 1978. (RCadayona)