JOB WELL DONE, ELMER YANGA & JUN BERNARDINO!

Tumanggi si Manny V. Pangilinan na maging head ng bagong tatag na SBP.

Full-time daw kasi ang posisyon na ito at natural, sa dami ng iba pang hawak ni MVP, malabo nga naman na magampanan niya ang role para sa SBP.

Nangako siyang tutulong siya the best way he can at yan eh isang napakalaking bagay na para sa kanila.

Ngayon, bukod kay ex-senator Joey Lina, mamimili na sila from the 25 personalities na nasa SBP para siyang gumanap sa role na inayawan ni MVP.

Okay lang kahit sino,  pero please,  huwag lang sana  si _____________ .
* * *
Ang ating pagpuri kay Jun Bernardino at Elmer Yanga dahil sa napakagaling napaghawak nila ng NCAA at UAAP 2006 season respectively.

Dapat papurihan ang dalawang ito dahil hindi biro-birong maging commissioner ng NCAA at UAAP.

Sa dami ng reklamador sa dalawang liga na ito, kailangan, matatag ang maging commissioner mo. At respetado.

Yanga and Bernardino proved na magaling sila at kapuna-puna na nag-improve ang officiating ngayong season na ito.

Walang masyadong intrigahan at awayan at bangayan na nangyari.

Mabuhay po kayo, Mr. Bernardino and Mr. Yanga for a job very well done!

Teka, di ba dapat, sina Jun Bernardino at Mr. Elmer Yanga eh dapat nandyan din sa Samahang Basketball ng Pilipinas.

They’re much worthier than some of the people na nakapasok dyan sa SBP 25.
* * *
Maiuuwi na kaya ng San Beda Red Lions ang NCAA title na pinaka-aasam nila during the last 28 years?

Kapag naglaro sila tulad nang inilaro nila last Monday, walang duda na sila na ang bagong NCAA champions.

Malalaman natin ang kasagutan mamayang hapon sa Araneta Coliseum.

Show comments