Tumataginting na P25M ang nakamal nito makaraang magwagi sa IPT World 8-Ball Championship na ginanap sa Las Vegas, Nevada.
Hanep! tanging sambit ng mga kababayang nakabalita sa tagumpay ng tinaguriang "The Magician" .
Ika nga, limpak-limpak na pera ang napapanalunan ni Reyes na kung iisipin isang tako lang ang katapat.
Bukod sa titulo, sa tumataginting na P25M, higit sa lahat ang karangalan ng buong Pilipinas ang dala nito.
Abay hamak mo rin ang pinagdaang hirap ni Reyes sa tournament na ito. Mula sa 200 na kalahok siya ang tinanghal na pinaka mahusay.
Ilang billiards players ang kanyang itinumba bago niya narating ang rurok ng tagumpay?
Natatangi talaga ang mamang ito.
Mahusay talaga!
Pagkatapos ni Biboy Rivera na nag-uwi ng gintong medalya sa World Cup, heto naman at si Reyes naman ang ipagbubunyi ng buong Pilipinas.
Grabe, nawalan ng boses ang dalawa kong anak na babae sa katsi-cheer. At sa UST Salinggawi team dahil doon nag-aaral yung isa kong anak.
Enjoy sila at sinabing magaling talaga ang Uste kasi malinis na malinis ang kanilang execution.
Medyo disappointed din sila kasi nga mahusay ang Adamson cheering squad pero nasa 4th lang ito. Actually may sarili silang pili--UST-Adamson- FEU.
Pero siyempre, hindi yun ang taste ng judges.
But at least ang pinakaimportante ay nakapanood sila ng actual competition.
Congrats sa UST Salinggawi dance troupe for winning their fifth title.
Goodluck Growling Tigers at Falcons!