Ang naturang fighter, ayon kay Amateur Boxing Association of the PHilippines (ABAP) president Manny T. Lopez, ay si Harvey Taylor na isang American kickboxing champion.
Ang 6-foot-1 na si Taylor, ang ina ay isang Filipina, ay dumalaw sa bansa noong Agosto kung saan siya nagsanay ng tatlong linggo sa ABAP Gym sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).
Hangad ni Taylor, naglalaro sa welterweight division, na makalahok sa 2006 Doha Asiad na nakatakda sa Disyembre 1-15. Subalit ayon kay Lopez posible pa nilang isama si Taylor sa national squad para sa 24th Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand sa 2007.
Kasalukuyang naninirahan ang Fil-Dutch sa United States kasama ang kanyang ina at amang tubong Netherlands.
Matatandaang ang huling Fil-Foreign boxer na kumampanya para sa bansa ay si lightweight Chris Camat, umabante sa qualifying tournament para sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece. Si Camat ay bumalik na sa US para magnegosyo. (Russell Cadayona)