Ito ang inihayag ng kasalukuyang WBC super featherweight champion Marco Antonio Barrera na puspusang naghahanda sa pagtaya niya sa hawak na titulo laban kay Rocky Juarez sa Setyembre 16 sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.
Ayon sa 32-anyos na si Barrera, plano niyang magkaroon na lamang ng dalawa hanggang tatlong laban sa 2007 bago tuluyang magretiro sa pagboboksing.
Bagamat wala pang inilalatag na kongkretong plano si Barrera at ng kanyang manager na si Oscar Dela Hoya sa susunod na taon, nais naman niyang makaharap sa posibleng huling pagkakataon si Pacquiao.
Matatandaan na tinalo ni Pacquiao si Barrera gamit ang 11th round knock-out nang unang nagtagpo noong Nobyembre 15, 2003 sa Alamodome, Texas.
Matapos ang laban ay umangat ang career ni Barrera dahil limang sunod na panalo ang kanyang itinala laban kina Erik Morales, Mzonke Fana, Robbie Peden at kay Juarez sa unang pagtatapat nitong Mayo 20.
Sa pagragasa niya ng panalo ay nakamit niya ang WBC at IBF super featherweight titles na dating hawak nina Morales at Peden.
"I havent really though about it," wika ni Barrera sa napupusuang kalaban bago siya mamaalam.
"But the fight the comes to my mind would be a rematch with Manny Pacquiao," dagdag pa ng 56 tubong Jalisco, Mexico.