Ang pakay ng UE Red Warriors laban sa Adamson University sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon ang ikalawang twice-to-beat advantage na ipagkakaloob sa top-two teams pagkatapos ng eliminations.
Ang target naman ng UST Tigers laban sa sibak na sa kontensiyong University of the Philippines ay ang slot sa Final Four sa unang seniors game sa ganap na alas 2:00 ng hapon.
Mataas ang morale ng Tigers sa sumagupa laban sa kulelat na UP Maroons dahil sa kanilang malaking panalo laban sa league leader na Ateneo de Manila University na pinatikman nila ng unang kabiguan, 88-80. Umangat ang Santo Tomas sa 5-5 kartada sa likod ng mga semifinalists nang Eagles at Warriors na may 8-1 at 7-2 win-loss records ayon sa pagkakasunod.
Ang unang twice-to-beat ticket ay kinubra na ng Ateneo habang ang ikalawa at huling slot ay pinaglalabanan ng Warriors, Tigers at Adamson Falcons na may 4-9 record.
Gayunpaman, kung mananalo ang East ngayon ay tapos na ang usapan.
Sisikapin naman ng Adamson na palakasin ang kanilang kontensiyon para sa Final Four dahil malaki pa rin ang posibilidad na madislodge sila ng defending champion Far Eastern University na di nakalalayo sa kanilang 5-6 kartada.
Nanalo ang UP sa kanilang unang pakikipag-kita sa Tigers.
May injury sina Jojo Duncil, Anthony Espiritu at Jun Cortez, ngunit inaasahang mapupunan ito ng mga beteranong sina Allan Evangelista, Dylan Ababou, Japs Cuan at rookie center Jervy Cruz para sa Tigers. (Mae Balbuena)