Dahil dito, lalaban ang SBC Red Lions kontra sa Mapua Cardinals bukas na wala si Gamalinda ngunit hindi ito gaanong makakaapekto sa Bedans dahil sa kanilang malalim na bench.
Nanalo ang San Beda sa naturang laban sa 73-64 iskor laban sa PCU para sa kanilang ika-10 sunod na panalo at ika-11 sa kabuuang 12 laro.
Sigurado na sa No. 1 spot ang Red Lions at mayroon na rin silang twice-to-beat ticket na ipagkakaloob sa top-two teams.
"Gamalinda is suspended for Wednesday for his unsportsmanlike foul against Lei Navarro of PCU," ani NCAA commissioner Jun Bernardino.
Naririyan pa rin ang Nigerian na si Samuel Ekwe na siyang pambato ng Bedans.
Sinuspindi rin si Navarro at pinagsilbihan na niya ito sa laban ng PCU Dolphins kontra sa defending champion Letran Knights noong Biyernes na kanilang tinalo sa 59-48 iskor.
Si Gamalinda ang ika-pitong player na sinuspindi sa season at ikatlo mula sa San Beda matapos nina John Escobal at Rogemar Menor ngunit di natuloy ang suspension ni Escobal na inapela ng San Beda. Ang iba pang sinuspindi ay sina Allan Se ng Jose Rizal at rookies John Raymundo at Gilbert Bulawan ng San Sebastian. (Mae Balbuena)