Isasagawa ang draft sa tanggapan ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Ultra sa Pasig sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.
Umaasa ang Welcoat na makakabingwit sila ng malaking player sa drafting na ito kung saan makakakuha sila ng hanggang dalawang player na hindi kasama sa protected list ng siyam na regular teams.
Pipili ng dalawang player ang Welcoat sa roster ng siyam na teams. Maaring mapasakanila ang napiling player kung hindi ito kasama sa protected list ng koponan.
Ang bawat team ay magpapasa ng listahan ng kanilang 10 players na nasa protected list.
Bukod sa dispersal draft na ito, kukuha din ng player ang Welcoat mula sa rookie draft at sa free agent market kung saan nakatakda silang magpatryout para makahanap ng prospect players.
Nakatakda ang PBA Annual Rookie Draft sa Agosto 20 sa Market Market sa Taguig. (MBalbuena)