Si Luat na nagkampeon sa ikatlong yugto ng San Miguel Asian 9-Ball tour, dumating kasama sina Efren Bata Reyes, Francisco Django Bustamante, Ramil Gallego at Gandy Valle.
Tinalo ni Luat ang Taiwanese bet na si Hsia Hui-Kai, 11-7 sa finals.
Bago rito, kinailangan munang dipatsahin ni Luat si Muhammad Zulkifri, 11-8 sa semis para sa karapatang harapin si Hsia na tumalo naman kay Bustamante, 11-4 sa isa pang semifinal match.
Ang huling yugto ng torneo na qualifying para sa mga Asian players sa World Pool Championship sa November, ay gaganapin sa Jakarta, Indonesia kung saan asam ng mga Pinoy na ma-sweep ang naturang leg.
Sa unang leg sa Ho Chi Minh, Vietnam, nagkampeon si Reyes, at si Gallego naman sa Bangkok leg. (Butch Quejada)