Pero ipinamigay nila sina Washington at Cardona sa Talk N Text kapalit nina Yancy de Ocampo at Patrick Fran. Tanging si Canaleta ang natira sa kanila pero naging main man naman ito sa dulo ng season matapos ulit ipamigay si RenRen Ritualo sa Phone Pals.
So, parang okay lang sa Air 21 ang trades na naganap. Kasi nga, hindi rin napakinabangan ng Talk N Text nang husto si Washington dahil sa nagkaroon ito ng injury. Si Cardona naman ay nagpakita ng maganda sa umpisa pero narelegate sa reliever matapos na malipat si Ritualo sa Talk N Text.
Kapag tiningnan nga ang mga first round drafting orders sa mga susunod na taon, ganun pa rin ang makikita. Maraming first round picks ang Air 21 at taun-taon ay puwedeng magpalakas ang team na ito.
Pero sa nakaraang three-way trade ay tila nadehado ang Express matapos na ma-disapprove ni PBA Commissioner Noli Eala ang ikatlong phase.
Sa rigodon na nangyari ay ipinamigay ng Express si Ryan Bernardo at ang first round picks nito sa 2007 at 2008 kapalit nina Rafi Reavis, Billy Mamaril at right kay Rudy Hatfield. Ang tatlong ito ay ipinamigay naman nila sa Barangay Ginebra kapalit sina Kalani Ferreria, Aris Dimaunahan, Ervin Sotto ay Manny Ramos at dalawang second round picks ng Gin Kings sa taong ito at isang future first rounder.
Ang mga trades na ito ay inaprubahan ni Eala.
Pero ang ikatlong trade kung saan ipinadala ng Air 21 sina Ferreria at Ramos sa Coca-Cola upang bawiin ng 2007 at 2008 first round picks ng Express ay hindi naaprubahan. kasi ngay hindi puwede ang balikan ng picks o players sa loob ng isang taon sa ilalim ng rules ng PBA.
So, in effect, nawalan ng dalawang first round picks ang Express at sumobra ang kanilang players!
Hindi natin alam kung puwede pang retokehin ang trades na naganap at naaprubahan na ni Eala. Kasi, kung approved ang unang dalawang yugto ng trade, abay tuloy na iyon!
Tiba-tiba ang Ginebra dahil sa nakuha nito sina Reavis, Mamaril at Hatfield kapalit lang ng dalawang second rounders at isang future first rounder. Okay din ang Coca-Cola dahil mayroon itong first round picks sa 2007 at 2008.
Nagkaleche-leche ang line-up ng Air 21 pati na rin ang programa ng Express para sa mga susunod na seasons. Hindi kasi napag-aralang mabuti ang trades na isinagawa nila.
Ngayon ay sobra-sobra pa ang kanilang mga manlalaro at kailangan pa nilang mag-unload para magkasya sa kanilang line-up. Puwede nilang ipamigay sa Coca-Cola ang sobrang players pero iba ang magiging kapalit.
Paano kaya nila reretokehin ito?