Maghaharap-harap sa naturang torneo ang 50 players na pawang mga local at national correspondents (print at broadcast) na nakabase mula sa ibat ibang lugar ng gitnang Luzon.
Ang naturang torneo na hatid ng The Philippine Star, Pilipino Star Ngayon at PM (Pang-Masa) ay suportado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), San Miguel Corporation, Philippine Amusement and Gaming Corp. Cebuana Lhuillier, Erikas, Gov. Govic Magsaysay (Zambales), Cong. Mitos Magsaysay (Zambales (-1st District), Gov. Mark Lapid (Pampanga), Forerunner Multi-Resource Inc. (proprietor, Mr. Jaime Vicente), Olongapo City Vice-mayor Rolen Paulino, councilor Atty. Noel Atienza, Subicwater, Subic Bay Press Corps at Union of Journalists of the Philippines (Olongapo-Subic Bay).
May mga cash prizes at tropeong naghihintay para sa mga magwawagi. Para sa mga nais lumahok, maaaring mag-text o tumawag kay Jeff Tombado, Pilipino Star Ngayon correspondent (Subic Bay-Olongapo) (047) 2524582 o 09273870839 para sa ilang detalye. (Jeff Tombado)