Ginamit ni Bautista ang kanyang mahabang katawan at 5-foot-10 frame para iparamdam ang kanyang presensiya sa net habang ginamit naman ni Laborte ang kanyang bilis para depensahan ang kanilang court.
Ito ang unang pagkakataong nagtambal ang dalawa sa Petron volley competition, ngunit naging pamilyar agad sa isat isa ang dalawa.
Nagbigay ng mahigpit na hamon sina Castro at Dela Cruz sa kaagahan ng laro matapos umabante sa 2-1 hanggang magtabla ang iskor sa 4-4.
Ngunit hindi nagtagal ay nakuha nina Laborte at Bautista ang momentum nang kanilang kunin ang 8-4 lead sa back-to-back service winners ng huli.
Nakalapit lamang sina Dela Cruz at Castro sa 10-9 ngunit sunud-sunod na ang kanilang error hanggang sa lumayo ang Laborte-Bautista pair ahead sa 14-9.
Naging one-sided show ang ikalawang set nang kunin nina Laborte at Bautista ang 7-1 pangunguna tungo sa pagkopo ng P10,000 top prize at ng champions trophy ng tournament na ito na hatid ng Speedo (official outfitter), Gatorade, Action N Fitness Magazine and Asian College of Science at Technology habang nagkasya sina Dela Cruz at Castro sa P5,000 prize at runner-up trophy.
Ang dalawang pares na ito ay didiretso sa 4th leg sa October kung saan ang mga finalists ay maglalaban-laban sa battle of the champions type na tournament.