Tinalo ng 51-gulang na si Reyes na tubong Angeles City, Pampanga sina Evgeny Stalev at sa kababayang si Rodolfo Luat sa parehong iskor na 8-7 gayundin sina Quinten Hann, Larry Nevel at Darren Appleton sa iskors na 8-3, 8-4 at 8-5 ayon sa pagkakasunod.
Kasama niyang umusad sa last 6 player mula sa 18 cue artist na naglaban-laban sa round five si Yvgeney Stalev na nanalo kay Darren Appleton sa pataasan ng winning perentage, 57.3%-54.88 matapos magtabla sa 3-2 panalo-talo.
Kapwa tumapos naman sina Manalo at Orcollo ng 3-2 win-loss slate at dahil sa kanilang mas mataas na winning percentage nagka-roon sila ng tsansa sa $350,000 premyo sa money rich event na ito.
Katabla ni Manalo si Marcus Chamat sa 3-2 panalo-talo ngunit dahil sa kanyang mas mataas na winning percentage, 62.41% kontra sa 56.36% ng huli, si Manalo ang nakasama ni Thorsten Hohmann na umiskor ng 4-1 panalo-talo sa Group 81.
Tinalo ni Manalo ang kababayang si Alex Pagu-layan, 8-6, Chamat, 8-3 at Gabriel Owens, 8-4 upang makabawi sa kabiguang nalasap kina Hohmanna at Rico Diks sa parehong iskor na 3-8.
Naungusan naman ni Orcullo si Daryll Peach sa Group 80 para sa karapa-tang makausad sa susunod na round bunga ng kanyang mas mataas na winning percentage na 56.86% laban sa 56.46 ni Peach.
Sinamahan ni Orcullo sa pagsulong sa susunod na round si Ralph Soquet na umiskor ng pinakama-gandang 4-1 record sa group 80.
Tinalo ni Orcollo sina Francisco Bustamante, 8-4, Ronato Alcano, 8-2 at Ralf Souquet, 8-3 matapos matalo kina David Matlock, 5-8 at Peach, 6-8.
Sa anim na Pinoy na lumaro sa ikalimang round, nabigong umusad sina Pagulayan, Alcano, Busta-mante at Rodolfo Luat na nagkasya sa $30,000.
Maglalaban-laban ang anim na players ngayon kung saan ang top-two cue artist ang maglalaban sa finals. Ang runner-up ay tatanggap ng $99,000, $80,000 sa third place at $65,000 sa fourth placer.