Pinatunayan ni Salamat na hindi nagkamali ang Ateneo sa paghugot sa kanya nang pamunuan nito ang Blue Eagles sa 98-89 panalo laban sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng UAAP mens basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.
Tumapos si Salamat, Finals Most Valuable Player (MVP) noong nakaraang taon matapos ihatid ang San Sebastian Staglets sa juniors title, ng 17-puntos sa kanyang 11-of-12 field goal shooting.
"Eric (Salamat) played an exceptional game and we fought really hard to recruit him," sabi ni coach Norman Black ng Ateneo na nakisalo sa liderato sa walang larong host University of the East bunga ng kanilang magkatulad ng 2-0 win-loss record.
Buhat sa 69 pagtatabla ng iskor, gumamit ang Ateneo ng 15-2 run na pinagbidahan nina Salamat, Zion Laterre, Clifford Arao at JC Intal, tungo sa 84-71 pangunguna mula sa three-point play ni Intal sa foul ni Dennis Cruz patungo sa huling tatlong minuto ng labanan.
Sa unang laro, nakabawi ang Adamson University sa kanilang pagkatalo sa opening day sa pamamagitan ng 88-64 pamamayani sa National University.
Bunga nito, tabla sa 1-1 record ang State U, AdU Falcons habang nalasap ng NU Bulldogs ang ikalawang sunod na talo. (CVOchoa)