Itataya ng 27-anyos na si Pacquiao ang kanyang suot na WBC International super featherweight crown laban kay Morales.
Matatandaang tinalo ni Morales si Pacquiao sa kanilang unang pagtatag-po noong Marso 15 ng 2005 sa MGM Grand sa Las Vegas hanggang ma-kabawi ang tinaguriang "Pacman" sa kanilang re-match noong Enero 21 sa Thomas & Mack Center.
Ayon kay Pacquiao, marami nang pinagsasabi si Morales laban sa kanya matapos niya itong pa-bagsakin sa 10th round ng kanilang 12-round bout noong Enero.
"Marami na siyang sinasabing hindi maganda tungkol sa akin. Gusto ko pag-isipan na niya ang pagreretiro niya kapag naglaban ulit kami," sabi ng tubong General Santos City.
Nagmula si Pacquiao mula sa isang 12-round unanimous decision laban kay Mexican Oscar Larios noong Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
Ibinabandera ni Pac-quiao, dating hari sa WBC flyweight at IBF super ban-tamweight division, ang 42-3-2 win-loss-draw ring record tampok ang 32 knockouts, habang may 48-4 card naman si Mora-les kasama ang 34 KOs.
"I ran into a guy with a lot of ambition who wanted to win very much," ani Morales kay Pacquiao. "He was in great condition and obviously well-pre-pared to fight me. It was very tough, intense fight. I have nothing but respect for Pacquiao. Hes a good person and he beat me. You wont hear any excu-ses from me."
Si Morales ay dating WBC super bantam-weight champion, isang two-time featherweight titlist at isang super fea-therweight ruler.
Apat na buwan ang schedule ni Morales para sa pagtre-training para sa malaking laban na ito.