Sa ikalawang taon ng Purefoods guard sa Philippine Basketball Association, nakamit na niya ang pinakaprestihiyosong award ng professional basketball.
Tinanggap ni Yap ang Most Valuable Player trophy sa ginanap na The Leos Achivement award bago ang Game-Four ng Red Bull-Purefoods titular showdown para sa korona ng Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.
Nakuha ni Yap ang block vote ng PBA Press Corps at ang lahat ng boto ng four-man committee na kinabibilangan ng kinatawan ng Philippine Sports-writers Association, Sports Communicators Organization of the Philippines, PBA Press Photographers at ng TV coveror na ABC5.
Dahil dito, runaway winner si Yap sa kanyang inaning 7,863 total points, 3,294 mula sa 43 media votes, 2,000pts. sa 4-man committee, 1,290pts. sa players votes at 1,279pts. sa statistics.
Tinalo ni Yap para sa MVP trophy ang kasamahang si Kerby Raymundo na may 2,960 total points lamang at Enrico Villanueva ng Red Bull na may 2,108pts.
Bukod kina Raymundo at Villanueva, kasama ni Yap sa Mythical Team sina Lordy Tugade ng Red Bull at ang teammate na si Roger Yap habang nasa second mythical team sina Mike Cortez ng Alaska, Mark Caguioa ng Ginebra, Best Player of the Conference Danny Seigle ng San Miguel at teammate na si Dorian Peña at si Pingris na tinanghal na Most Improve Player.
Rookie of the Year naman si Larry Fonacier ng Red Bull habang ang Sportstmanship award ay iginawad kay Tony Dela Cruz.
Kabilang sa All-Defensive team ay sina Pingris, Nic Belasco, Peña, Rafi Reavis, Wynne Arboleda at Topex Robinson.
Pagkatapos ng speech ni Yap, dumiretso ito sa ringside upang iabot sa kanyang asawang si Kris Aquino ang kanyang MVP trophy. (Carmela Ochoa)