Makakatapat ni Villoria, may 19-0 win-loss ring record tampok ang 12 knockouts, si Mexican challenger Omar Nino Romero, nagdadala ng 23-2-1 (win-loss-draw) card kasama ang 10 KOs.
Ito ang ikalawang sunod na ipagtatanggol ng 25-anyos na si Villoria ang kanyang WBC light flyweight title matapos igupo si Jose Antonio Aguirre noong Pebrero 18.
Ang 5-foot-4 na si Villoria, lumaki sa Hawaii at tinaguriang "The Hawaiian Punch" sa world boxing scene ang nag-iisang lehitimong Filipino boxer na may world championship belt sa kanyang baywang.
Ang 30-anyos na si Romero ng Guadalajara, Mexico ay No. 13 sa WBC list.
Inaasahan ni Arum na magiging maigting ang labanan sa pagitan nina Villoria at Romero para sa suot na WBC crown ng una. (R. Cadayona)