Ngayon naman, hingi kami ulit ng opinyon nyo.
Sa tingin nyo, bakit tumagal ng 12 rounds ang laban ni Manny Pacquiao kay Larios?
Dahil ba sa a) pinahaba lang ni Manny para sumaya ang mga Pinoy, b) pinahaba ni Manny para maipasok lahat ng commercials sa TV,c) medyo humina na si Manny dahil sa dami ng kanyang extra-curricular activities?
Para bumoto, type nyo lang PM (space) NAP (space) at letra ng inyong sagot at pangalan nyo at i-send sa 2948 (para sa Globe at Sun subscribers) at 3940 (for Smart subscribers.)
Next Friday, ipapa-publish namin dito ang resulta ng boses ng masa.
As in highest ever. As in halos lahat ng bahay ay sa Channel 2 naka-tune in nung Linggo ng hapon.
Marami ang nabuwisit sa haba ng coverage, sa dami ng commercials, sa haba ng undercard na inabot ng ten rounds bawat isa.
Kung iisipin mo nga, parang sinadya ang mga laban na tumagal hanggang sa huling round para nga naman ma-accomodate lahat ng commercials.
Bago mag-alas dose ng tanghali, marami na ang nakaalam na nanalo na si Manny Pacquiao via a unanimous decision. Alam na ng marami dahil kumalat na sa text ang balita.
Pero alam mo naman ang mga Pinoy, kahit alam na nila, matiyaga pa rin silang naghintay na makita ito sa TV at kung paano ipinanalo ni Manny ang laban.
Kaya naman hayan, grabe ang ratings!
Walang naipantapat ang GMA 7.
Nakakaloka nga naman!
Only in the Philippines!
Sa dami ng commercials ni Manny-- McDonalds, Alaxan, Smart, Magic Sing, etc....-- siya pa rin ang nasa TV tuwing break.
Ha ha ha.....
Ha ha ha....
Grabe, ang bilis noh.......
Nung Linggo lang naglaban, nung Lunes, naka-DVD na.....
Angat nga ang Pinoy.....