Malaking katanungan pa kung manonood siya kasama ang kanyang anak na si Emmanuel Pacquiao Jr.
May nagbigay daw sa kanila kasi ng 3 ringside tickets.
Natatakot daw siyang manood at baka siya ang pagka-guluhan ng mga intrigero at magulo pa pati laban ni Manny.
Baka daw sa bahay na lang sila manood.
Kung ako kay Jonah, ipagbibili ko na lang ang 3 tickets na hawak niya.
Lagpas din sa P100,000 yun kapag nabili ng scalper.
Ang ginawa naman ng SOP, wala rin silang live.
Replay din sila.
Alam kasi nilang maraming Pinoy ang tututok sa ABS CBN sa araw na yon.
Yan ay kung humaba ang laban ni Manny at Larios.
Eh paano nga naman kung may bumagsak na agad sa first round.
Maagang matatapos din ang coverage.
Ubos na ang tickets sa special ringside at VIP tickets kahit na ito ang pinakamahal.
Ibig sabihin lang niyan, marami na naman ang nag-nanais na makisakay kay Manny.
Yan ay kung mananalo si Manny.
Sa baba ay may iilan-ilan pa ring natitira.
Ewan kung mabebenta ang mga tickets na yan within the next few days.
Sobrang mamahal naman kasi eh...
Very disappointing daw ang box-office results nito.
Sayang.
Dito sa Pilipinas talaga, ang mga pelikula ng mga buhay ng boksingero, hindi talaga kumikita.
Bakit kaya?
Ang pangalan ng kanilang baby ay Michael Cortez.
Kaya pala inspiradong maglaro ngayon si Mike.
Congratulations!