82nd NCAA sasambulat na

Ang pinakahihintay na pagbubukas ng National Collegiate Athletics Association cage wars ay magbubukas na ngayon bilang pambungad ng 82nd season ng  NCAA sa siguradong mapupunong Araneta Coliseum.

Simula ngayon ng kampanya ng defending champion Colegio de San Juan de Laetran ng kanilang pagtatanggol ng korona habang sisikapin naman ng Philippine Christian University na mabawi ang nabitiwang korona.

Samantala, biglaang nagbitiw sa posisyon bilang coach si Junel Baculi ng Philippine Christian University.

Idinahilan ni Baculi ay ‘health reasons’ ngunit ihahayag ng PCU ang opisyal na statement ngayon.

Limang koponan naman ang naghahangad na maibsan ang kanilang pagkauhaw sa titulo habang isang koponan ang nais makatikim ng kanilang kauna-unahang championship trophy.

Sisimulan ng Letran Knights ang pagdedepensa ng titulo sa pakikipagharap sa host College of St. Benilde sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng pambungad na seremonya sa alas-12:00 ng tanghali.

Sa ikalawang laro, maghaharap ang Mapua Institute of Technology at PCU Dolphins sa alas-4:00 ng hapon kasunod ang laban ng San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help Dalta sa alas-6:00 ng gabi.

Sa ikaapat at huling laro ay ang sagupaan ng Jose Rizal University at San Beda College sa alas-8:00. (CVOchoa)

Show comments