Masamang panaginip ibabaon ng Aces

Nangyari na ito.

Taong 2002 sa finals ng Governor’s Cup, ha-wak ng Alaska ang 2-0 pangunguna sa best-of-seven titular series.

Ganito rin ang sit-wasyon ngayon ng Aces. Hawak nila ang 2-0 kala-mangan sa best-of-seven semifinal series ng kasalu-kuyang Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup.

Ngunit ayaw nang mangyari ulit ni coach Tim Cone ang nangyari sa kanila, apat na taon na ang nakakaraan.

Walang nangyari sa kanilang unang dalawang panalo sa finals series nang hinayaan nilang makabangon ang Pure-foods kung saan acting coach pa noon si Ryan Gregorio.

"I’m not going to be happy until the series is over, hopefully on our favor," pahayag ni Alaska coach Tim Cone, sa kan-yang masaklap na alaala ng  2002 Governors Cup. "I have learned so many lessons in my 17 years of coaching. That’s one of my worst lessons."

Ang pakay ngayon ng Alaska ay kunin ang 3-0 bentahe at makalapit sa finals ng ikalawang kum-perensiyang ito upang hindi pahirapan ang Chunkee Giants na ma-kabangon sa kanilang serye.

Opening game ang laban ng Aces at Chunkee Giants sa alas-4:40 ng hapon at susundan ito ng sagupaan ng Red Bull at San Miguel Beer sa alas-7:30 ng gabi.

Nagawa namang ma-kabawi ng San Miguel sa tulong ni Dondon Hon-tiveros na nagpamalas ng impresibong laro upang sapawan ang kanyang nakakadismayang perfor-mance sa Game-One.

Nagtala si Hontiveros ng 26-puntos kabilang ang kanyang record-tying at season high na 6-for-6 sa triple area upang makabawi sa kanyang 1-of-19 shooting sa Game One kung saan namayag-pag ang Red Bull, 78-89.(CVOchoa)

Show comments