Naisumite ni Manipol ang bilis na 16 minuto at 57.40 dalawang minutong abante sa mga katunggali, upang angkinin ang gin-tong medalya sa kanyang dibisyon.
"Magandang panalo po ito para sa akin," pahayag ni Manipol.
Tumapos lamang sa ikalawang puwesto ang isa pang TMS bet na si Liza Yambao na nagre-histro ng 19:14.90 at sa ikatlo si Christy Sevillano ng Cebu City na may 20:48.00 sa event na itinaguyod ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at suportado ng lokal na pama-halaan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Gov. Tomas Joson III at ng Petron, Globe, Fontana Leisure Resort at Creati-vity Lounge.
Nasiguro naman ni Michael Embuedo ng Philippine Air Force (PAF) ang gintong medalya sa mens 20,000M walk sa loob ng isang oras, 45 minuto at 44 segundo para payukuin sina silver medallist Jessie Ano ng Philippine Army at bronze medallist Roel Ano ng PAF.
Sa womens shot put, mainit ang kamay ni Chia-Ying Lin ng Chinese Taipei na humataw ng 14.69 metro na siyang nagluklok kay national mainstay Narcisa Atienza ng PA sa ikalawang puwesto (11.23 meters) at Rosie Villarito ng PA sa ikatlong puwesto (10.61 meters)
Sinamantala ng Singa-porean Anastasia Goh Xusi ang pagkawala nina SEA Games gold medallist Marestella Torres at Lerma Bulauitan-Gabito nang dominahin ng foreign bet ang wo-mens long jump com-petition.
May 5.68 metro dis-tansiyang marka si Goh para sa gintong medalya habang naka-silver si Siti Zubaidah Adabi ng Malaysia sa kanyang parehong 5.68 metro at bronze si Ma. Ariane Lunasco ng Far Eastern University na may 5.36 metro.
Nagpasyang lumiban si Torres na buhat sa Asian Grand Prix habang si Torres ay bahagi ng coaching staff ng FEU.
Sa mens triple jump, nagningning si Ahmad Firdaus Salim ng Malaysia sa kaniyang 15.78 para sa unang puwesto kasunod sa ikalawa si Varungo Kongril ng Thailand na may 15.57 at si Benigno Marayag ng TMS na may 15.10.