Subalit, lingid sa kaalaman ng marami, may isang natatanging indibidwal na nauna na sa kanila ng limang taon.
Paano siya naging espesyal?Siya ay bulag.
Noong anim na buwan pa lamang si Erik Weihenmayer, natagpuan ng mga doctor na mayroon siyang retinos-cheses, isang sakit na dahan-dahang sisira sa kanyang mga retina. Lumaki siyang hindi nalalaman na bilang ang oras ng kanyang paningin.
Sa edad na 13, lubusan na siyang nabulag.Subalit sa halip na matakot at magkubli sa kanyang kadiliman, tinignan ni Weihenmayer kung gaano kalayo ang kanyang mararating.
Isa siyang world-class athlete, sky-diver, long-distance biker, marathon runner, skier, scuba diver at miyembro ng College Wrestling Hall of Fame.
Naakyat na rin ni Weihenmayer ang tatlong pinakamataas na bundok sa mundo. Noong ika-23 ng Mayo, 2001, sa piling ng 11 pang walang kapansanan, si Erik ay naging kauna-unahang bulag na nakarating a tuktok ng Everest.
"All my life, fear of failure had nearly paralyzed me," sabi ni Weihenmayer.
Hindi madali ang umakyat nang hindi nakikita ang paligid. At may mga ibang paghihirap na pinagdaanan ang batikang climber bago tinangka ang 29,000-foot na Everest.
Sa pag-akyat sa Mount Rainier, kinailangan niyang magtayo ng sarili niyang tent. Hindi niya maipasok yung tent pole sa sulok ng tent, at hinubad ang guwantes niya.
Biglang namanhid ang kanyang kamay, at sumakit ng husto sa lamig. Isinilid niya uli ito sa makapal na glove, at napilitang humingi ng tulong sa mga kasama. Ilang buwan din siyang nagsanay para hindi maulit ang ganoong pangyayari.
"Hes an important member of each team he climbs with," paliwanag ni Gavin Atwood, na kasabay niyang nagsanay para sa Everest. "No one says Ok, youre blind. Well haul your stuff and take care of you. He does his job."
Naaalala ni Weihenmayer ang payo ng kanyang ama. Walang masama kung hindi ka magmamalabis sa pagharap sa panganib."A meaningful life is all about taking constructive risks, whether you succeed or not," sabi daw ng kanyang ama. At maging ang lahat ng nakakakita ay hahanga sa kanya.