Malaking responsibilidad ngayon ang nakaatang kay Misa sa pagkawala ng starting point guard ng Altas na si Dean Apor.
Si Misa ay No. 4 scorer sa liga at pinangunahan nito ang assists at steals.
Hindi nakarating sa Final Four ang Altas dahil nakapagtapos lamang bilang fifth place noong nakaraang taon.
Nagtapos ang Altas na may 6-8 win-loss slate makaraang simulan ang kanilang kampanya sa 0-4 at magtapos sa unang round sa 2-5 karta.
Sasandal ang Perpetual sa head coach na si Bai Cristobal sa karanasan ng mga beteranong sina Fritz Conrad Bauzon, Vladymir Joe at Josef Racho, gayundin sa mga rookies na sina Jay jay Aransazo, Michael Johnson Kong, Sang Myeon Lee at Riomar Perturbos.
"I have already designed a five-year basketball development program for UPHSD. If the program is strictly followed then I think we can expect improvements in Altas basketball," sabi Cristobal.
Wala pang titulo ang Las Piñas-based squad sa juniors at seniors na naging regular member ng liga noong 1984 ngunit sa Perpetual nanggaling ang mga sikat na basketbolistang sina Rene Bong Hawkins, Chester Tolomia at Gilbert Malabanan. (CVOchoa)