Ang panalo ay ika-siyam ng Adamson matapos ang 13 games na nagpatatag sa kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa likod ng finalist ng De La Salle, habang nalasap naman ng Lady Stags ang kanilang ika-anim na kabiguan matapos ang walong panalo.
Gaya ng dati, trinangkuhan ni Cherry Macatangay ang depensa ng Lady Falcons kasabay ng pagpapakawala ng 28 kills na nagbigay sa kanya ng 34 points performance upang ihatid ang Adamson sa krusiyal na panalo.
Bunga nito, kailangan ng San Sebastian na maipanalo ang kanilang huling asignatura sa semis laban sa Far Eastern U upang makatugon sa 5-of-8 incentive rules na magbibigay sa kanila ng play-off sa Sabado at ipuwersa ang sudden-death playoff nila ng Adamson.
Nauna rito, sinamantala ng Lyceum ang pagkawala ng Thai import na si Jindarat Kanchana upang iposte ang 25-18, 21-25, 18-25, 25-17, 18-16 panalo laban sa De La Salle.