Ang kaliweteng si Nepomuceno, isa sa apat na bowlers na seeded sa Philippine team sa Doha Asian Games sa December, ay nagtapos na abante kina Jay Carabeo na may 2675 at William Monedero na may 2537.
Sa kababaihan, nanguna naman si Ditas dela Merced na nagpagulong ng 1681 pinfalls.
Ang iba pang nakausad sa nationals sa apat na center ay sina Mar Serac, Rolly Manalili, Jojo Ventura, Lillian Teano at Norma Nuevo (Coronado Lanes/Starlanes), Mel Almario, Eric Aranez, Wandee Teer at Alice Cabazor (Astrobowl/Metropolis), Willy Ng, Ben Diaz at Anna Ng (Puyat Sports Baguio) at Ramer Medrana, Ed Vargas at Becky Ramirez (Coastal Lanes).
Patuloy pa rin na nagaganap ang kompetisyon sa may 18 pang AMF Puyat centers.
Naging mainit ang panimula ni Nepomuceno nang maglista ito ng 245 tungo sa 225.75 average sa torneong dedetermina sa kinatawan ng bansa sa 42nd World Cup Internationals Finals sa Caracas, Venezuela sa November 4-10.
Ito ay nagsisilbi ring bahagi ng preparasyon ni Nepomuceno para sa kanyang pagsabak sa Doha Asian Games. Ang ikalawang center finals ay gaganapin sa Setyembre.