Nakatakda ngayon ang deciding Game-Five sa pagtatapos ng quarter-final series ng Gin Kings at Bulls sa alas-7:00 ng gabi sa pagdako ng aksiyon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Matapos mapahiya sa dalawang sunod na laro ng serye laban sa para-lisadong line-up ng Gin Kings, bumawi ng husto ang Red Bull noong Game-Four nang kani-lang durugin ang Ginebra sa 118-97 panalo upang ipuwersa ang sudden-death match na ito.
Ito ang ikalawang pagkakataon na dadaan ng do-or-die ang nagta-tanggol ng koronang Ginebra na nakalusot sa wild card phase matapos igupo ang Air21 para sa huling quarterfinal slot.
Hangad ng Ginebra na muling malusutan ang sudden-death match na ito upang makuha ang karapatang harapin ang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer na naghi-hintay na sa semifinals na reresolbahin sa best-of-seven series.
Gayunpaman, may bitbit na momentum ang Red Bull bunga ng kani-lang nakaraang panalo na nagtabla ng best-of-five quarterfinal series sa 2-2 panalo-talo bukod pa sa kanilang taglay na advan-tage laban sa paralisa-dong Ginebra.
Naging mapusok ang Bulls upang mabura ang dalawang masamang pagkatalo kung saan umabot sa 34-puntos ang pinakamalaking kalama-ngan sa pagbibida nina Lordy Tugade, Rico Villa-nueva, Larry Fonacier, Cyrus Baguio at iba pa.
Umaasa naman ang Ginebra na puputok ang kanilang mga second stringers na sina Allan Salangsang, Mark Maca-pagal, Egay Echavez at iba pa para makatulong nina Mark Caguioa at Eric Menk dahil patuloy na hindi makakaasa ang Gin Kings kina Romel Addu-cul, Jayjay Helterbrand at Aris Dimaunahan.
Naitakda na ang isa pang semifinal match sa pagitan ng Alaska at Pure-foods makaraang tapusin ng Aces ang kanilang quarterfinal series laban sa Coca-Cola sa pama-magitan ng 3-1 panalo-talo. (CVOchoa)