Gumawa ang Thai import na si Jindarat Kanchana ng 23 kills, habang nagdagdag sina Michelle Datuin at Desiree Hernandez ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Lady Archers na pinalawig ang kanilang winning run sa 10 dikit na nagbabadya lamang ng pagsungkit ng kanilang ikatlong korona sa event na ito na presinta ng Shakeys Pizza at may suporta mula sa Accel, Mikasa, VFresh, Aqua-best, ABC-5 at ABC Sports na inorganisa ng Sports Vision.
Bumagsak naman ang Adamson na binanderahan ni Cherry Macatangay sa kanyang pinakawalang 27 puntos sa 6-4 na sapat na para maagaw ng San Sebastian ang ikalawang puwesto taglay ang 7-4 win-loss slate.
Nauna rito, ipinakita naman ni Jaroensri Bualee, isa pang Thai import ang kanyang tikas ng trangkuhan ang SSC sa third at fourth sets para paspasan ang Lady Tams.
Tumapos ang 23-anyos na si Bualee ng 27 kills, na karamihan nito ay mula sa huling dalawang frames na nagpabagsak sa depensa ng Morayta-based spikers upang bitbitin ang Lady Stags sa ikatlong sunod na panalo sa semis at ikapito naman sa overall matapos ang apat na kabiguan.
Umusad din ang Lady Stags sa dalawang panalo upang makakuha ng isang slot sa finals sa ikalawang sunod na pagkakataon sa bisa ng 5-of-8 incentives rule.
Natikman naman ng FEU ang kanilang ikalimang pagkatalo sa likod ng 10 pakikipaglaban at kailangan nilang maipanalo ang apat mula sa huling limang laro upang manatiling nasa kontensiyon.