Tungkol ito sa buhay ni Allan simula pagkabata hanggang sa mag-aral sa kolehiyo sa University of the East, paglalaro sa RP Team, PBL (dating PABL), PBA hanggang sa mag-coach at ngayon ay manager ng Barangay Ginebra sa PBA.
Tinalakay din ni Allan dito ang kanyang inspirasyon, ang kanyang inang si Mercedes Flores Caidic (na yumao noong Nobyembre 29) at idolo niya ang amang si Edilberto at siyempre ang buong pamilya niya kinabibilangan ng maganda at butihing asawa na si Milotte at mga anak na sina Marisse at Inah.
Its more of a photo biography so ma-e-enjoy ninyong basahin.
Hopefully masisilbing inspirasyon itong book na ito ni Allan sa mga kabataang may ambisyon na maging player. At walang anumang hadlang kung pursigido ka talagang maging matagumpay tulad niya.
Mabibili na ito sa National Bookstore simula sa June 15 sa halagang kayang-kaya. Magkakaroon ito ng autograph signing sa SM Fairview, SM Manila at SM Megamall sa June 23, 24 at 25.
Balita ko pa pawang mga broadsheet lamang sa Manila ang mabibiyayaan nito at yung mga tabloids etsapuwera na.
Ganun?
Sus ano ba yan. Pati kapwa mo Pilipino namimili na rin. Ganyan makikita ang discrimination sa pagitan ng mga newspaper dito sa atin.
Wow grabe ha!!! Totoo ba ito?
Siguro, bago magpaliga pag-aralan muna ang tunay na kahulugan ng salitang sportsmanship.
Marami tuloy ang nagsasabing iboykot na lamang daw ang paligang ito para wala ng gulo. Yearly daw ginaganap itong liga. Dapat alam na nilang magpatakbo lalo na kung nag-iimbita sila ng ibang team.